Monday, 10 March 2014

Non Est Error

Ako'y natatakot
magmahal dati,
giliw, sapagkat
dili ko mawari:

Magkakamali ba`ko?
Ako ba'y magsisisi?
Dadaan lang ba `to't
hindi na masisipi?

Ika'y nakita kong
balisa't sadyang
nagpakilala ako
nang buong tapang,

At nagmahal ako.
Kahit nang minsa'y
`di ko napagtantong
ako'y nagkamali.