Saturday, 7 March 2015

Ampalaya

Isang kagat,
alam agad—

mapait, `yan tayo;
umuuga-uga ka sa
ilalim ng palad ko.

Inakala mong duwag ako
nang `di minsa'y `di kita
ibinilang sa mga
stupidong nakilala ko,

nagkamali yata ako?

Mapait—`yang puso mo.
Gabato ang tigas!
Kung anong kinataas
ng pride mo,
ang ikinabansot
naman ng utak mo.

Ang pait ng damdamin
ko, inaamin ko `yan.

Subalit, oo, minahal
kita. Kailan ma'y hindi
ko `yan pagsisisihan.

Umaali-aligid nga
lang sa isip ko—

minahal mo ba
talaga ako?