Sa kabilang-buhay, nagtipun-tipon muli ang
mga yumaong pangulo ng Pilipinas. Ito na ang pangatlong pulong nila na kasama
si Marcos. Kikilalanin na nila si Corazon Cojuangco-Aquino sa kaniyang pagpasok sa Presidents’ Council—Philippines Faction.
Sa isang dulo ng mahaba-habang talahanayan, nakaupo si Quezon sa isang
malaking, mukhang-komportableng silya, habang sa kabila’y si Aguinaldo,
nakatayo sa likod niya’y si Heneral Luna. Magkakatabi naman sina Quirino,
Garcia, at Macapagal na nagtatawanan lagi bago magsimula ang pulong.
“Alam mo, Carlos, hindi ko talaga inakalang tatagal
`yung Alto,” sabay halakhak ni Quirino.
“Ganyan na talaga—pero tama ka, nag-iiba na nga talaga
ang mga Pilipino ngayon,” batid ni Macapagal. Ipinagpatuloy niyang umaalikik,
“Kanina lang may naraanan ako doon malapit sa bukana,
tinatanong niya sa`kin kung bakit raw parang ang tagal mamatay ng anak ko,”
sabay tawa ng dalawa.
Medyo malapit sa panig ni Aguinaldo sina Laurel at
Osmeña. Si Roxas at Magsaysay naman ay kausap ni Marcos ukol sa kanilang naging
mga relasyong pulitikal sa mga Amerikano noon. Umalingawngaw ang katok ng
malyete ni Quezon. Bumukas ang pinto ng pulunga’t may pumasok na babaeng
nakasalamin na may suot na pulang blazer at pulang palda.
“Mga kapatid, inaanyayahan ko na kayong maupo,” sa
salita ni Quezon ay tumugon agad ang buong konseho. Nagpatuloy siya,
“Ang araw na ito ay mahalaga sa kawalanghangganan ng
ating munting konseho, matapos ang mahabang panahong pagpupulong,
napagdesisyunan na nating kilalanin si Maria Corazon Sumulong Cojuangco sa
kapatirang ito. Manny, kung maaaring bigkasin mo ang layunin ng konseho, at
ikaw na rin ang magbigay sa kaniya ng kaniyang palayaw panlupon.” naupo si
Quezon, sabay tayo si Laurel.
“Sa utos ng Diyos na makapangyariha’t walanghanggan,
ang konsehong ito ang mangangasiwa’t mangangalakad sa lahat ng pangangailangan
ng lahat ng yumaong mamamayan ng dakilang Inang Pilipinas. Maria Corazon Sumulong
Cojuangco, simula ngayo’y kikilalanin ka na bilang Nica Taal.”
At ganoon lamang ang nangyari’t may sumulpot na silya
sa tabi ng kay Laurel, o Manny. Sa pagtango ni Quezon ay naupo si Laurel.
“Nica Taal, kung maari’y magbahagi ka ng
sentimiento?” hiling ni Quezon.
“Of course,
President Quezon—”
“Alfa, Nica Taal, patay na lahat tayo dito,”
“Sorry po, Alfa,” nautal ng kaunti si Cojuangco ngunit
napatiwasay niya rin ang kompiyansa niyang magsalita,
“Isang malaking responsibilidad ang mabilang sa inyong
mga naging magigiting na pangulong nauna sa akin—“
“Si Manny, magiting?” biro ni Osmeña. Napangiti na
lamang si Laurel.
“Magpatuloy,” wika ni Quezon.
“Baguhan man ako, you
can trust that I will strive to do a good job,” tumungo si Cojuangco bilang
pagtatapos at naupo sa kaniyang silya.
“Maraming salamat, Nica Taal. Dahil sa inyong
impluwnesiya sa tao noong dekada otsenta, maaako sa`yo ang tungkuling pamahalaan
ang mga nakarehistro sa time frame
ng dekada sesenta hanggang dekada nobenta,” tumango si Cojuangco bilang
pagtanggap sa responsibilidad.
“Nica Taal, may tanong lang ako,”
“Ano ho iyon, Pangu—“
“Verde,” wika ni Roxas,
“Mahilig ka ba talaga sa tocino?” maski si Quezon ay natawa.
“Mahilig ka ba talaga sa tocino?” maski si Quezon ay natawa.
“All I can say
is that… wala akong pinagsisisihan,” lumakas ang tawanan.
“Alfa, tingin ko’y `di magandang ideya ang iako kay
Nica Taal ang pamamahala sa dekada sitenta. Naroon ang mga ipinapatay ni Jose
Cojuangco, sa katunaya’y tingin ko’y mas mabuti kung sa mga Yumaong Indio na
lamang siya mamahala,” wika ni Marcos.
“At ano naman ang mas ikabubuti ng buong Yumao kung
ganoon ang mangyayari, Rodante?” tanong ni Quezon.
“Ang mga Indio ang pinakamarami at pinakamatatag
pagdating sa ideyal. Ni di sila maimpluwensayahan ng mga radikal sa dekada
nobenta. Nawari ko lang na perpektong pinuno si Nica Taal para sa mga tulad
nila. Wala naman naging malupit na babaeng governor-general, meron ba?” sinabi
ni Marcos na may bahid ng pamimilit.
“Tama siya, Alfa, pag nagkagulo pa ang mga yumao sa Late 19th Century, mapagsasabihan pa
tayo ng Amo.” batid ni Quirino.
“Hear. Hear.”
bulong ni Garcia.
“Very well,”
tumuon ang mga mata ni Quezon sa kinakabahang si Cojuangco. Nagpatuloy siya,
“Ang sang-ayon sa panukala ni Rodante, magtaas ng
kanang kamay,” nagtaas ang lahat maliban kay Cojuangco.
“Nica Taal, ganap na. Mamamahala ka sa Yumaong Indio.
Siguraduhin mong hindi sila magkakagulo at na lagi silang areglado.”
“Mabuti na `yan, Nica Taal. Para mapagtanto-tanto mo
rin ang mga pagkakamali mo,” wika ni Macapagal.
“Gusto ko lang naman na hindi maranasan ng pamilya—“
“Nica Taal, mahiya ka!” sigaw ni Magsaysay. Tumindig si Marcos at nagsalita; nanonood si Quezon na
may ngiti sa mukha,
“Sinungaling ka, Cory! Inutos lang ng Amo na maparito ka! Alam mo bang wala ka dapat dito! Ang kapal pa ng mukha mong makipagbiruan dito! Napakakarumaldumal ng ginawa mo—pinapatay mo ang asawa mo! Para saan? Sasabihin mo ngayon na para sa seguridad ng pamilya mo? Kalokohan!”
“Sinungaling ka, Cory! Inutos lang ng Amo na maparito ka! Alam mo bang wala ka dapat dito! Ang kapal pa ng mukha mong makipagbiruan dito! Napakakarumaldumal ng ginawa mo—pinapatay mo ang asawa mo! Para saan? Sasabihin mo ngayon na para sa seguridad ng pamilya mo? Kalokohan!”
“Reliquere,
frater” pumasok si Rizal, na may suot na itim na amerikana, tulad ng
karaniwang makikita sa kaniyang mga larawan.
“Papaano mo nagagawang magkaroon ng poot kung wala ka na naman ring magagawa?” tanong niya.
“Papaano mo nagagawang magkaroon ng poot kung wala ka na naman ring magagawa?” tanong niya.
“Rizal, ang gusto ko lang naman malaman ay kung bakit
pa siya kailangan dito sa konseho. `Di ba alam ng Diyos ang pagkakaiba ng taong tanga
sa taong may dunong?” daing ni Marcos.
“Alam ng Amo kung sino sa silid na ito ang may laman
ang utak. Alam rin ng Amo kung sino ang may dunong sa kung paano iniluluwas ang
lamang ito. Kaya, Ferdinand, iyan ay pagnilay-nilayin mo nang maigi. Alam mong ika’y
ipinangalan sa isang tanyag na mananakop. Ginampanan mo ang kasaysayan ng pangalan mo, Ferdinand—sa
katunayan nga’y nakapatay ka rin ng tao,” naupo’t natahimik si Marcos.
“Nica Taal, tanggalin mo ang hubris sa iyong pagkatao.
Wala na iyang kwenta ngayong patay ka na. Ang gagawin mo na lang dito ay
mangasiwa’t siguraduhing areglado ang isang lipon ng isang lipon ng isang
lipon. Minahal ko ang lipon na aarugain mo, Nica Taal; nawa’y mahalin mo rin
silang may pagmamahal na higit pa ng sa`kin.” payo ni Rizal.
“Pinapunta ka nanaman?” tanong ni Quezon kay Rizal na
tumango. Nagbuntong-hininga si Quezon at tumayo. Iyon ang tanda na tapos na ang
pulong. Natayo si Cojuangco at lumapit kay Rizal,
“Salamat ho sa inyong pag-uunawa,”
“Walang anuman,” nginitian niya ito, at may binulong
nang lumayo ang babaeng pangulo,
“Dare pondus
idonea fumo”