Nanghamon nang walang
espada sa kamay,
ikinamatay ko dili ang espada
ng kaaway,
sapagkat naunahan ng aking kamao
ang kamalayang dati'y
pinagmamalaki ko.
Hagulgol nang hagulgol
sa open casket ang itinawag.
Mga anak ko.
Mga anak ng mga anak ko:
huwag na huwag
ninyong pag-iiyakan
ang namatay na para sa wala.
No comments:
Post a Comment