Saturday, 25 June 2016

Sa Parang


Ni hindi man lamang magluksa
ang buwan sa araw na pumanaw:
nilisan mo`ko't `di nagpaalam.
Katwira'y wala, wala ring dahil.
Marahil ay hindi ko napansin.
Nagpastol ako ng sakit habang
ika'y masaya nasaan ka man.
Walang tupa na lumalayo
sa parang, nariyan at nariyan
sila. `Wag mo nang isiping
magparamdam. Sa guni-guni
na lamang kitang tatawagin,
hahagkan, at mamahalin muli.






No comments:

Post a Comment