May mga uwak
sa himpapawid,
sa daang mapanglaw.
'Di sadyang malimot –
ako at ikaw.
Ako ba'y mabubuhay
sa bagyo, sa unos,
kapag wala ka sa'king tabi?
Lumilibot,
nag-iisa –
pinipilit na makauwi.
Itanong sa bituin
siya'ng nakatakda;
nakatalunton hanggang sa bukas.
Wala bang mabisang lunas?
Ano na'ng nangyayari sa'kin?
Ang isipa'y basag at gusot;
nginangain na't kinakalmot.
Wala ka bang napapansin?
Nasa harapan mo na't
lahat nakikitang
hawig na hawig ko lang.
Lumilibot,
nag-iisa –
pinipilit na makauwi.
Itanong sa bituin
siya'ng nakatakda;
nakatalunton hanggang sa bukas.
Wala akong lugar dito
pero dito lang ang alam ko.
Wala akong lugar dito
pero dito lang ang alam ko.
Lumilibot,
nag-iisa –
pinipilit na makauwi.
Itanong sa bituin
siya'ng nakatakda;
nakatalunton hanggang sa bukas.
Showing posts with label Translation. Show all posts
Showing posts with label Translation. Show all posts
Tuesday, 3 January 2017
Friday, 25 November 2016
"Wake Your Soul" by The Hope Arsenal, translated to Tagalog
Ipagdamot ang banaag sa mga mata
sa muling pagbagsak ng ulan
at hustuhin ang anuman.
Pagtambalin - isipa't paniniwala.
Takot na lumayas;
hindi nga mapakali.
Hahablutin kahit ng sulyap
pag-asa kong nakalaon sa bukas.
Nag-iisa't giniginaw.
Bigla na lang magugunaw;
at tatandang sabay kay Haring Araw
Matikas, sa kabila ng agos;
ka'y madudulas, magbubuntong-hininga.
Magbabagang lubos ang siniga
kaya't gisingin ang kalul'wa
bago tuluyang iwanan ka.
Subscribe to:
Posts (Atom)